September 13, 2024

Home SHOWBIZ Events

Herlene Budol, bet kainin ng matandang lalaki

Herlene Budol, bet kainin ng matandang lalaki
Photo Courtesy: Screenshots from Herlene Budol (FB)

Nakakaloka ang hirit ng isang matandang lalaki kay beauty queen-actress Herlene Budol sa isang event na ginanap sa Cagayan De Oro kamakailan.

Sa Facebook post ni Herlene noong Huwebes, Agosto 22, matutunghayan sa isang bahagi ng video na tinanong niya ang matandang lalaki kung ano ang una nitong kakainin kapag nagkaroon ng ngipin.

“Ito na lang ang una kong itatanong,” panimula ni Herlene.”Ano ang una mong kakainin ‘pag nagkangipin ka?”

“Syempre…ikaw,” sagot ng matandang lalaki. Nagsigawan at nagtawanan tuloy ang mga manonood. Nawindan sa sagot ni tatay.

Events

Golden crown: Angelica Yulo, sasali sa Mrs. Philippines?

Umani naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang video. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Ginawa kang pagkain te "

"Kinakain naman talaga yong hipon "

"Sana oll nakita SI herlene budol"Grabe TAWA ko Kay tatay kaloka hahaha

"Grabi c tatang ntatawa ako ha ha ha"

"Napaka ganda talaga ni maam harlene"

"Hahahahaa kakatuwaai tatay..Siguradong nabugbug na yun ng asawa nya"

"Kaloka pagkain kana pala ngayon Ms Herlene Hipon Budol grabe ka Tatang ah, "

"Msasampal k ni hipon tatang"

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa mahigit 1.7k reactions, 103 comments, at 27k shares ang nasabing video.