September 20, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Excuse the cheese!' Pia, pasimpleng bumwelta laban kay Heart?

'Excuse the cheese!' Pia, pasimpleng bumwelta laban kay Heart?

Pinuputakti sa X ang Instagram post ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach-Jauncey noong Agosto 17, matapos ang kaniyang appreciation post para sa mister na si Jeremy Jauncey.

Tinawag ni Pia na "bestfriend" at "life partner" ang kaniyang mister, na kahit sobrang hectic ng kaniyang schedule, ay supportive pa rin sa kaniya at hinahayaan lamang siya sa goals niya.

"Spent the last three weeks with my best friend and life partner pretty much joined at the hip

@jeremyjauncey and I had the best time…so many funny moments. Wish I could share what really happened in the last few weeks behind closed doors (maybe soon when the time is right) but it’s just what we both needed.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Jeremy’s been working hard…probably the hardest and most focused I’ve ever seen him. He doesn’t post about it a lot but this man has been working nonstop on some exciting progress and growth for @beautifuldestinations. I’m so proud.

I, too have been planning and working on some exciting things I have in the pipeline for my career…with his support & encouragement for sure.

Excuse the cheese but I’m just so grateful to have a partner who lets me fly ‍ and reach for my goals!" mababasa sa Instagram post ni Pia.

Isang X user na nagngangalang "Bortang Barbie Girl" naman ang nagbigay ng malisya rito, at sinabing tila pasimpleng "clap back" ito ni Pia kay Heart, dahil sa pinag-usapang pagsusuot ng huli ng luxury necklace kay Panda, ang pet dog niya.

Minalisya naman ito ng mga netizen dahil ang nabanggit na mamahaling alahas ay ineendorso ni Pia.

Sa kaniyang TikTok Live naman, walang binanggit si Heart kung patutsada niya kay Pia ang pagpapasuot ng mamahaling kuwintas kay Pia, subalit nagpahayag na siya ang may-ari nito at magagawa niya ang gusto rito.

"Pia's clap back at Heart matapos syang ikumpara sa kaniyang aso na si Panda. Kalocca!" saad ng X user, na ang binibigyang-tuon ay ang sinabi ni Pia sa dulo ng post na " Excuse the cheese but I’m just so grateful to have a partner who lets me fly ‍ and reach for my goals!"

Photo courtesy: Bortang Barbie Girl (X)

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Dami time talaga ni mars@bortangbarbie Yan na lang buhay mo bhe."

"Sure ka? Nakausap mo si Pia? Baka ang ibig niya sabihin diyan, cheesy 'yong hirit niya."

"Mapaggawa ka ng isyu teh."

"Heart, anong masasabi mo?"

"Gawa pa issue jusko ugly inside and out bwhahahaha."

"issue ka te. Cheesy daw kasi yung caption nya mabait si pia. Di nya ugaling mag parinig. Tska lahat ng nakukuha nya na invite deserve nya helllo Miss Universe sya. about sa necklace issue tagal na naka post sa IG nya yun post ni heart 2 days ago lang."

"Bortang Pauso lahat kino connect hahaa"

"Wala kayo mapapala sa pagsasabong sa dalawa... magtrabaho na lang kayo. Ay sabagay, trabaho mo pala manira 'di ba?"

Ang "cheese" kasi ay associated sa mister ni Heart na si Senate President Francis "Chiz" Escudero.

Ngunit kung susuriin naman ang sinabi ni Pia, maaaring ang "cheese" ay tumutukoy sa pagiging "cheesy," "corny," o "baduy."

Kung gayon, ang pangungusap na ito ay maaaring nangangahulugang aware si Mrs. Jauncey na puwedeng sounds cheesy o sobrang sentimental ang sasabihin niya, ngunit nagpapahayag siya ng labis na pasasalamat sa pagkakaroon ng isang partner na sumusuporta at nagbibigay sa kaniya ng kalayaan na abutin ang kaniyang mga ambisyon at pangarap.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina Pia o Heart sa pang-iintriga ng nabanggit na X user. Bukas ang Balita sa kanilang panig.

MAKI-BALITA: Sey mo, Pia? Heart nagsalita sa isyu ng mamahaling kuwintas ni Panda

MAKI-BALITA: 'Nagkataon lang?' Luxurious brand ng necklace na iniendorso ni Pia, suot ng aso ni Heart?