September 20, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Kinasuhang content creator, nagsisising binangga si Mon Confiado

Kinasuhang content creator, nagsisising binangga si Mon Confiado
Photo courtesy: via Balita

Tila nagsisisi na ang content creator na sinampahan ng kaso sa National Bureau of Investigation (NBI) ng award-winning actor na si Mon Confiado dahil sa paggawa umano ng fake news laban sa kaniya.

Sinampolan ni Mon si Jeff Jacinto alyas "Ileiad" matapos umano itong magpakalat ng gawa-gawang kuwento laban sa kaniya, na nag-viral naman sa social media.

MAKI-BALITA: Mon Confiado, nagsampa na ng kaso sa content creator na gumawa ng pekeng kuwento

Pinalagan ni Mon ang mga detalyeng nakasaad sa post ni Ileiad at agad na nagkomento rito, at sinabing wala itong katotohanan.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

MAKI-BALITA: Mon Confiado, pinatulan content creator na pinalalabas siyang magnanakaw

Bukod dito, nag-private message din siya sa content creator upang sitahin ito at sabihang puwede siyang gumawa ng legal na hakbang laban sa kaniya. Nag-sorry naman ito subalit tila nagtanong pa sa aktor kung "threat" daw ba ito.

Ngunit ang pagbabanta ay tinotoo na nga ni Mon matapos magsadya sa NBI kamakailan upang pormal na maghain ng demandang cyberlibel laban kay Ileiad.

Ayon sa ulat, nagpadala raw ng email si Jacinto sa isang lokal na pahayagan upang ipaliwanag ang kaniyang panig. Sa email nagpadala ang inirereklamo

Aniya, lubos siyang nagsisisi sa kaniyang ginawa dahil hindi raw niya sukat-akalaing lalaki ang isyu, na isang "copypasta" lamang sa kumakalat na memes.

Nagsisi rin ang content creator dahil hindi raw niya agad na-take down ang post nang hilingin na ito ng aktor. Aminado rin si Ileiad na hindi sincere ang paghingi niya ng dispensa sa batikang aktor.

Humingi raw ng tamad si Jacinto kay Confiado at nakiusap na i-urong na ang demanda laban sa kaniya. 

Well, sabi nga sa matandang kasabihan, "Nasa huli ang pagsisisi." Abangan na lamang ang susunod na mga kabanata kung ipupush ba ng aktor ang kaso o mahahabag sa pakiusap nito.