January 15, 2025

Home BALITA National

Malaking bahagi ng bansa, uulanin dahil sa habagat

Malaking bahagi ng bansa, uulanin dahil sa habagat
Courtesy: PAGASA/FB

Inaasahang makararanas ng mga pag-ulan ang malaking bahagi ng bansa ngayong Linggo, Agosto 4, dahil sa southwest monsoon o habagat, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, malaki ang tsansang magdudulot ang habagat ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Western Visayas, Negros Island Region, Central Visayas, at Palawan.

Pinag-iingat ang mga residente sa mga nasabing lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

Bukod dito, malaki ang tsansang makararanas ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang pulo-pulong pag-ulan o thunderstorms ang Eastern Visayas at Mindanao bunsod din ng habagat.

National

Alice Guo at iba pa, posibleng makasuhan ng 62 counts of money laundering

Medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang pulo-pulong pag-ulan o thunderstorms din ang posibleng maranasan sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa dahil naman sa localized thunderstorms.

Posible rin daw ang pagbaha o pagguho ng lupa sa mga nasabing mga lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.

Samantala, sa kasalukuyan ay may binabantayan ang PAGASA na kumpol ng kaulapan o cloud clusters sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR), kung saan hindi raw nila inaalis ang posiblidad na mabuo ito bilang isang low pressure area (LPA).