November 13, 2024

Home FEATURES BALITAnaw

BALITAnaw: Sino si Gil Puyat?

BALITAnaw: Sino si Gil Puyat?
Dating Senate President Gil Puyat (Photo courtesy: Wikimedia Commons; Radyo Pilipinas via PNA}

Usap-usapan sa social media ang “Gil Puyat Ave.” dahil sa marketing campaign ng isang supplement brand na “Gil Tulog Ave.” signage sa Makati City.

MAKI-BALITA: Di na puyat! Gil Puyat Ave. sa Makati, 'Gil Tulog' na?

Kinondena ni Makati City Mayor Abby Binay ang naturang “Gil Tulog” street sign ng supplement brand na “Wellspring,” at sinabing hindi ito dumaan sa kaniyang opisina.

MAKI-BALITA: Mayor Abby, nagsalita hinggil sa 'Gil Tulog Ave' sign sa Makati

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang ika-11 taong paggunita sa pagtama ng bagyong Yolanda

Kaugnay nito, humingi ng tawad ang management ng “Wellspring” matapos nilang amining napagtanto nilang “insensitive” ang marketing campaign, at inalis na raw nila ang signage.

MAKI-BALITA: Supplement brand sa likod ng 'Gil Tulog Ave.' signage, humingi ng tawad

Ngunit, sino nga ba si Gil J. Puyat na siyang pinagmulan ng pangalan ng “Gil Puyat Avenue?”

Ayon sa opisyal na website ng Senado, si Gil J. Puyat ay nagsilbi bilang senador ng Republika ng Pilipinas mula 1951 hanggang 1973. Naging Senate president siya sa loob ng anim na taon. 

“As a legislator, Puyat created a sensation unmarked in political history by his reforms and innovations involving the dispensation of the controversial public works funds,” anang Senado.

Ipinanganak si Puyat noong Setyembre 1, 1907.

Ang kaniyang amang si Don Gonzalo ang founder ng isa sa mga unang business empires sa Pilipinas.

Kaya naman, bago maging senador ay na-expose si Puyat sa mundo ng negosyo, dahilan kaya’t kinuha niya ang kursong komersyo sa University of the Philippines (UP) kung saan siya ang nanguna sa klase.

Naging miyembro rin siya ng Rotary Club of Manila at kasabay nito ay ang kaniyang pagiging young professor ng economics sa UP.

Napansin naman ng noo’y pangulo ng bansa na si Pangulong Manuel L. Quezon ang kagalingan ni Puyat sa negosyo, kaya’t sa edad lamang na 33 ay itinalaga siya bilang dean ng College of Business Administration sa UP. 

“At this age, he became the youngest dean the UP ever had,” saad ng Senado.

BIlang aktibong miyembro rin ng international trades bodies, nakuha ni Puyat ang “international stature” pagdating sa negosyo. 

Noong 1948, binoto siya ng Business Writers’ Association of the Philippines bilang “Business Leader of the Year” habang noong 1949 naman ay binoto siya ng Association of Red Feather Agencies bilang “Civic Leader of the Year.”

“In 1953, he received a plaque from the Community Chest of Greater Manila for ‘outstanding services as one of the founders, first president and first campaign fund chairman’ of the body,” anang Senado.

Bukod dito, ginawaran siya ng Philippine Institute of Public Opinion (PIPO) ng isang certificate of honor para sa pagpapakita ng “national leadership” sa negosyo, ekonomiya, civic at political fields at para sa kaniyang natatanging paglilingkod sa kabataan.

“Puyat consistently served various other organizations which saw in him a champion of civics and charity,” saad ng Senado.

Sa labas ng mundo ng negosyo at Senado, si Puyat ay naging isang butihing ama ng pitong nilang mga anak ng kaniyang maybahay na si Eugenia Guidote. Pumanaw siya noong Marso 23, 1980.

Samantala, taong 1982 nang maging “Gil Puyat Avenue” ang dating “Buendia Avenue” sa pamamagitan ng Batas Pambansa No. 312 (An Act Changing the Name of Buendia Avenue in the Municipality of Makati and Pasay City, Both in Metro Manila, to Senator Gil J. Puyat Avenue).