November 24, 2024

Home BALITA National

'Pinas, posibleng makaranas ng hanggang 3 bagyo sa Agosto

'Pinas, posibleng makaranas ng hanggang 3 bagyo sa Agosto
Courtesy: PAGASA via MB

Dalawa hanggang tatlong bagyo ang posibleng pumasok o mabuo sa loob ng Philippine area of responsibility sa buwan ng Agosto, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Base climatological record ng PAGASA, may apat na potential tracks ng mga bagyo para sa Agosto.

Una, posible umanong mag-recurve ang mga bagyo patungong hilagang bahagi ng PAR at saka tutungo sa bansang Japan. Bagama’t hindi ito magla-landfall sa bansa, posible nitong palakasin ang southwest monsoon o habagat.

Samantala, ang posible rin daw na mag-recurve ang mga bagyo patungong northwestern portion ng PAR at saka tutungo sa Taiwan. Hindi ito magla-landfall sa kalupaan ng bansa ngunit palalakasin din nito ang habagat.

National

Amihan, ITCZ, magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa – PAGASA

Pangatlong cyclone tracks, anang PAGASA, ay posibleng mag-landfall ang mga bagyo sa extreme northern islands ng bansa bago ito magtutungo sa Hong Kong o Vietnam.

Panghuling scenario ay ang posibleng pag-landfall ng mga bagyo sa hilagang bahagi ng Luzon at saka magtutungo sa Vietnam.

Pangangalanan naman daw ang inaasahang hanggang tatlong bagyo para sa susunod ng buwan ng: Dindo, Enteng, at Ferdie.

Sa kasalukuyan ay tatlong bagyo na ang pumasok o nabuo sa loob ng PAR sa taong 2024: ang bagyong Aghon, Butchoy, at ang Carina na nanalasa sa malaking bahagi ng bansa kamakailan lamang.

Ayon sa PAGASA, walo hanggang 13 bagyo ang posibleng pumasok o mabuo sa loob ng PAR sa taon ito.

Narito ang mga pangalan ng mga magiging bagyo ngayong taon:

MAKI-BALITA: PAGASA, inihayag mga pangalan ng bagyo sa 2024

Ngunit, bakit nga ba nakapangalan sa tao ang mga bagyo?

MAKI-BALITA: ALAMIN: Bakit nakapangalan sa tao ang mga bagyo?