September 06, 2024

Home SHOWBIZ

Ogie Diaz, pinayuhan si Willie Revillame: 'He should take a break'

Ogie Diaz, pinayuhan si Willie Revillame: 'He should take a break'
Photo Courtesy: Ogie Diaz (FB), Screenshot from TV5 (YT)

Nagbigay ng payo ang showbiz insider na si Ogie Diaz sa TV host na si Willie Revillame matapos uminit ang ulo sa show nitong “Will To Win” kamakailan.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Biyernes, Hulyo 19, sinabi ni Ogie na habaan daw dapat ni Willie ang pasensya bilang host ng naturang programa.

“Ito naman ang payo ko kay Willie, ‘no. Habaan pa niya ang kaniyang pasensya. Otherwise he should take a break,” saad ng showbiz insider.

Matatandaang maraming netizens ang nagsabing tila nahahawa raw sila sa stress ni Willie nang magalit ang TV host sa production staff ng show dahil sa umano’y kapalpakan.

Relasyon at Hiwalayan

EJ Obiena, handa nang lumagay sa tahimik?

MAKI-BALITA: Imbes marelax: Netizens, na-stress daw sa panonood ng show ni Willie Revillame

MAKI-BALITA: Willie uminit-ulo, pinagalitan ang production staff ng 'Wil To Win' sa ere

Pero bukod pa rito, naging sentro din ng usapan ang pahayag ni Willie tungkol sa TV ratings na tila pagpapatama umano sa katapat nitong show na “Family Feud” ng GMA.

MAKI-BALITA: Kuda ni Willie patungkol sa TV ratings, katapat na show patutsada sa GMA Network?