September 18, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Kylie Padilla, umaming taken na!

Kylie Padilla, umaming taken na!
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Network (YT)

Inamin ng Kapuso actress na si Kylie Padilla na taken na siya nang sumalang siya sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Martes, Hulyo 16.

Sa isang bahagi kasi ng panayam, inusisa ni Boy si Kylie kung single ba siya o ready to mingle.

Sagot ni Kylie na tila nag-aalinlangan pa: “Taken.”

Tila nagulat naman si Boy sa pag-aming ito ng aktres. Kaya nang magkaroon siya ng pagkakataon para linawin ang tungkol dito, muli siyang nagtanong.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

“Are you taken?” paniniyak ni Boy.

“I am.”

Hindi pinangalanan ni Kylie kung sino ang kaniyang bagong jowa. Pero aniya, hindi umano taga-showbiz ang lalaki.

Matatandaang bago pa man ito ay naging usap-usapan na noong Enero kung sino ang lalaking naispatang kasama ni Kylie habang nagsha-shopping.

MAKI-BALITA: Gym coach o jowa? Kasamang lalaki ni Kylie sa shopping, sinisino ng netizens

Samantala, sa panayam niya kay Lhar Santiago kamakailan, hindi niya nabanggit ang tungkol dito. In fact, wala raw siyang kasamang date sa darating na GMA Gala 2024.

MAKI-BALITA: Kylie Padilla, masaya kahit walang ka-date sa GMA Gala 2024