August 22, 2024

Home BALITA Probinsya

69-anyos senior citizen, timbog sa iligal na droga

69-anyos senior citizen, timbog sa iligal na droga

Timbog ang 69-anyos na lalaking senior citizen dahil sa pagkakasangkot umano sa iligal na droga sa Hermosa, Bataan nitong Huwebes ng gabi, Hulyo 11.

Bukod sa 69-anyos, timbog din ang dalawa pang indibidwal sa isinagawang buy-bust operation sa Purk 2, Barangay Tipo. 

Kinilala ng mga awtoridad mula sa PDEA ang mga naaresto na sina Racquel P. Crespo, 69; Angelo Corpin, 32; at Ariel Acedera, 25.

Nasamsam mula sa kanila ang limang plastic sachets na naglalaman na hindi bababa sa 15 gramo ng umano'y shabu na may halagang ₱102,000; assorted drug paraphernalia, at buy-bust money.

Probinsya

Tinderang naniningil lang ng utang, pinagsasaksak

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Act of 2002.