July 08, 2024

Home SHOWBIZ

Claudine, nag-react sa meme na 'Thank You So Mu—' sa kaniya

Claudine, nag-react sa meme na 'Thank You So Mu—' sa kaniya
Photo courtesy: Screenshot from MJ Felipe (ABS-CBN News)/Claudine Barretto (IG)

Mukhang aware si Optimum Star Claudine Barretto sa kumakalat na memes patungkol sa kaniya.

Kaugnay kasi ito sa spliced videos ng kaniyang "Thank You So Much" o pagpapasalamat sa mga natatanggap na pagkain, items, o regalo mula sa mga kaibigan, sponsors, o kakilala na pinagpapasalamatan niya.

Sa panayam sa kaniya ni MJ Felipe, sinabi ni Claudine na nagtataka siya kung saan nanggagaling ang meme na ito. Subalit dahil tinatawag siyang "Queen of Gratefulness," keri lang sa kaniya dahil maganda naman daw.

"You are the most viral celebrity right now," sey ni MJ.

Tsika at Intriga

BINI Aiah, nagsalita na tungkol sa isyu ng personal space at privacy

"Thank you so much!" natatawang hirit ni Claudine.

"Paano ba nagsimula 'yon?" muling tanong ni MJ.

"Hindi ko alam nga eh, basta sinabi lang nila sa akin, hindi ko pa actually nakikita talaga, pero nakakatuwa naman. Kasi sabi nila Queen of Gratefulness daw, 'yon ang sabi nila, kaya okay, sabi ko hindi ako ma-ooffend kasi maganda naman. Thank you so much sa lahat ng nagpa-viral ng video!" aniya pa.

Nakapanayam ni MJ si Claudine sa debut party ng anak nila ni Raymart Santiago na si Sabina, na aminado si Claudine na may jowa na raw at pinayagan na niyang pumasok sa relasyon.