July 06, 2024

Home SHOWBIZ

Neri Miranda naki-partner kay Vice Ganda

Neri Miranda naki-partner kay Vice Ganda
Photo courtesy: Neri Naig (FB)

Kasosyo na pala ni Neri Naig-Miranda sa negosyo si Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda, ayon sa Facebook post ng misis ni Parokya ni Edgar lead vocalist Chito Miranda.

Ibinida kasi ni Neri ang pagpapaka-faney niya kay Vice Ganda kaya mega-grab siya ng oportunidad para makapagpa-picture sa lodi.

Dito ay naibahagi nga ng "wais na misis" na partner pala siya ni Vice sa bagong tayong comedy bar/club nito kamakailan. Well, hindi naman nakakapagtakang pasukin ni Vice ang ganitong negosyo dahil bago siya sumikat sa telebisyon, sumikat muna siya bilang stand-up comedian sa comedy bars.

Buong Facebook post ni Neri:

Tsika at Intriga

'May ABS-CBN pa rin!' Robi Domingo, pinaringgan si Dennis Trillo?

Grabe yung mukha ko halatang halata yung pagka-fan ko sa ngiti ko

Ganun ako ka-fan! Halos every night inuulit ko yung GGV kase tawang tawa ako kay Vice tapos inuulit ko rin mga bardagulan nila ni Anne, Kuya Jhong, and Vhong sa Showtime. Humahagikgik ako bago ako matulog, tinatanong ng asawa ko kung napapano na ako

Kaya nung tinanong ako ni Chito kung gusto ko ba raw maki-partner sa Vice Comedy Bar, sabi ko talaga game ako dyaaaaaaaaaaaan! Para maging close kami ni Vice!!!!

Kaya kagabi talagang panay bulong ko sa asawa ko na, "Daaad, papapic talaga ako kay Vice ha? Pls pls!"

Open na po ang VICE Comedy Club, P250 lang po ang entrance fee tapos may free drink pa yan. Soft opening palang po pero sobrang sulit at saya na!

Sobrang nag enjoy kami kagabi! Naubos ko yung isang platong sinoteng na baby squid! Sobrang saraaaaap!

Nagkasama sina Vice Ganda at Chito Miranda sa "Idol Philippines" Season 2 bilang mga hurado.