July 06, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Pia Wurtzbach at mga kasama, na-stuck sa elevator sa Paris

Pia Wurtzbach at mga kasama, na-stuck sa elevator sa Paris
Photo courtesy: Pia Wurtzbach (IG)

Ibinahagi ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang video ng pagka-stuck nila sa loob ng elevator habang nasa Paris, France.

Kasama ni Pia sa loob ang kapatid niyang si Sarah Wurtzbach at photographer na si Magic Liwanag.

Caption ni Pia, sa mga pelikula lang niya napapanood ang mga ganoong senaryo kaya laking-gulat niya nang siya na mismo ang makaranas nito.

Sa halip na mag-panic ay nag-video na lamang sila sa loob habang naghihintay na makalabas sila sa loob.

Tsika at Intriga

Jennylyn Mercado, 'di susulutin ng ABS-CBN

"Thought we only saw this in movies Here’s another adventure with @sarahwurtzbach and @magicliwanag…on his birthday!"

"What would you do if you got stuck in an elevator? " caption dito ni Pia.

Dagdag pa ni Pia, "The Mobile Legends victory sound at the end."

Komento ng kapatid na si Sarah, "Is somebody gonna match my freak "

"Happy na, birthday pa! Panic party in the elevatorrrr " reaksiyon naman ni Magic.

Pero wala naman daw dapat ipag-alala ang fans dahil nasa maayos naman silang kalagayan ngayon.

Sa comment section, marami sa mga netizen ang nagbahagi ng kanilang karanasang ma-stuck din sa elevator.

"Got stucked in an elevator for an hr in our condo due to power outage and I didn’t brought my phone as I was just checking our mailbox. The worst experience ," sey ng isa.

Pagbabahagi ng isa, "Been stuck at 36th floorDone that magbibiro ka na lang at laking tulong yung madami kayo pala madaming entry pang tanggal nginig kalamnam kasi walang signal di ka pwede magpaalam sa mahal mo sa buhay."

"My experience is worst the elevator stop all up a sudden then, electricity cut off! Im alone at elavator, parang final distination"

May mga netizen namang nagsabi na sana raw ay maka-stuck nila sa elevator ang beauty queen balang araw.