Isang magnitude 4.4 na lindol ang yumanig sa probinsya ng Cagayan nitong Lunes ng umaga, Hulyo 1, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 8:05 ng umaga.
Namataan ang epicenter nito 9 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Tuao, Cagayan, na may lalim na 24 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang naturang pagyanig.