July 08, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Bimby, 'di bet isang ex ni Kris?

Bimby, 'di bet isang ex ni Kris?
Photo Courtesy: Screenshot from Ogie Diaz (YT)

May isiniwalat ang Queen of All Media na si Kris Aquino tungkol sa opinyon ng anak niyang si Bimby sa isang ex niya, na hindi tinukoy o pinangalanan.

Sa latest episode ng vlog ni showbiz insider Ogie Diaz noong Sabado, Hunyo 29, sinabi ni Kris na hindi raw nagkasundo sina Bimby at ang naturang ex.

“Hindi sila nagkasundo no’ng ex…Hindi niya gusto, e…It matters to me. Because he knows me best. Siya at si Kuya, ‘yong opinyon nila really matters,” saad ni Kris.

“Most people would say na dapat ‘yong mga anak ang sumunod sa magulang. Pero sa akin kasi, they’ll always be there. And alam ko na ‘yong pagmamahal nila sa akin, it’s pure,” wika niya.

Relasyon at Hiwalayan

Melai Cantiveros, itinangging niloko siya ni Jason Francisco

Dagdag pa ng Queen of All Media: “Dati sinabi niya: ‘Mama, I don’t you really love him. I think you’re just sad. Tumatak ‘yon sa akin. Ang sabi ko: yeah, it’s true. Na-realize ko rin talaga.”

Sa kasalukuyan, ayon kay Kris, may karelasyon daw siyang doktor na nakabase sa Pilipinas. Kaya naman buo ang loob niyang umuwi sa bansa dahil alam niyang may taong mag-aalaga sa kaniya.

MAKI-BALITA: Gumagaling na? Kris Aquino, binabalak nang umuwi sa Pinas

MAKI-BALITA: Kris Aquino, may karelasyong doktor sa Pilipinas

Bagama’t walang binanggit na pangalan, matatandaang si Batangas Vice Governor Mark Leviste ang lalaking huling na-link kay Kris noong mga nakaraang buwan.