Nagbigay ng reaksiyon ang ina ni international singer Jake Zyrus na si Raquel Pempengco kaugnay sa viral video ni SB19 member Stell Ajero na kumakanta ng “All By Myself” sa concert ni David Foster.

Sa isang Facebook post ni Raquel nitong Biyernes, Hunyo 21, mababasa ang pabirong komento niya sa performance ni Stell sa naturang concert.

“Gulatin mo din mga tao…mag-Charice Pempengco ka ulit…hahaha joke lang pero in fairness magaling si Stell Ajero…mala-Jed Madela din but still don’t compare with Charice.” saad ni Raquel.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon ang sinabing ito ni Raquel mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Events

Sinong mas magaling? Stell at Charice, pinagkukumpara sa 'All By Myself'

"nakakalungkot nga dapat nandyan din si Cha, sana balik kana sa amin Cha🙏😢"

"Hindi naman po talaga pwede icompare kay charice kc lalake c stell 😂, magkaiba sila ng atake pero pareho silang magaling 👏😍🫶"

"Iba yung kay cha. still the best"

"Hindi na ko magtataka kung bakit naging judge ng THE VOICE si Stell Mami 🥰 galing din nya , but wala pa rin makakatalo Kay Charice 😍😍 the only one 😍😍"

"Magaling sya pero iba paring ung Kay charice na nag bgay karangalan sa bansang pilipinas at tinarangkilik Hanggang Ngayon. 🥰"

Matatandaang kasabay ng paglutang ng video clip ng performance ni Stell sa concert ni David ay kasama ring napag-usapan si Jake na dati ay kilala bilang Charice Pempengco.

Hindi naiwasan ng mga netizen na ipagkumpara ang dalawa. In fact, may ilan pa ngang nagsabi na si Stell daw ang susunod sa yapak ni Jake o Charice bilang international singer at madalas makasama ni David sa concert nito.

https://balita.net.ph/2024/06/19/next-charice-stell-ng-sb19-na-stell-ang-spotlight-sa-concert-ni-david-foster/