Nagbigay ng reaksiyon at komento si dating Presidential Spokesperson at senatorial candidate Atty. Harry Roque sa pagbibitiw ni Vice President Sara Duterte bilang Kalihim ng Department of Education (DepEd) at Vice Chairperson ng NTF-ELCAC.

Aniya, sa pagbibitiw raw ni VP Sara ay pormal nang nalusaw ang UniTeam at siya na ang magiging lider ng oposisyon.

Ang UniTeam, ay alyansang nabuo sa kandidatura nila ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. noong 2022 National Elections.

Saad ni Roque, "VP Sara has just resigned as DepEd Secretary and as Vice - Chair of NTF-ELCAC. Uniteam has formally been dissolved and she has just become the leader of the opposition. The line has been drawn! The Philippines finally has a real leader. Onwards to Transparency, Accountability, Peace and Security! Let's redeem the Philippines!"

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Ngayong araw ng Miyerkules, Hunyo 19, ay pormal nang nagbitiw sa kaniyang posisyon si VP Sara, subalit patuloy pa rin daw ang kaniyang mga tungkulin bilang Pangalawang Pangulo ng bansa.

MAKI-BALITA: VP Sara sa pagbibitiw bilang DepEd Secretary: ‘Hindi lulan ng kahinaan’

MAKI-BALITA: VP Sara Duterte, nag-resign bilang DepEd secretary