Ibinahagi ng legal counsel ni Ogie Diaz na si Atty. Regie Tongol na tinatayang aabot sa ₱30,000,000 ang danyos ng cyber libel case ni Bea Alonzo laban sa kaniyang kliyente.

Ayon sa inilabas na opisyal na pahayag ng kampo ni Ogie matapos magsampa ng counter affidavit laban sa kaso, nag-ugat ang "two counts" na cyber libel case ni Bea laban kay Ogie tungkol sa "Start-Up PH" at tsikang bago raw alukin ng proyekto si Bea ay uunahin muna si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

MAKI-BALITA: ALAMIN: Ano ba ang pinag-ugatan ng cyber libel case ni Bea Alonzo kay Ogie Diaz?

Bagay na pinabulaanan naman ng isang writer mula sa GMA Network na si RJ Nueva matapos pumutok ang tsikang ito noong Pebrero.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

MAKI-BALITA: Kapuso writer nagsalita sa isyung tagasalo lang ni Marian si Bea

Nabanggit ng abogado na ₱30M nga ang kabuuang danyos ng kaso, bagay na para sa kanila ay "not only unjustified and unreasonable but is also exorbitant."

"Other bloggers, writers, journalists and our clients should not be cowered by the filing of cases just to suppress the freedom of expression and of the press by public figures who are too onion-skinned. Our clients will fight this case with courage because they have no malicious intent and the thirty million pesos (P30,0000,000.00) damages being asked by Ms. Bea Alonzo in her complaint is not only unjustified and unreasonable but is also exorbitant."

"We are also ready to file other counter charges against Ms. Alonzo for malicious prosecution and damages for this suppression of our client’s freedom of the press and expression in due time," bahagi pa ng opisyal na pahayag.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Bea kaugnay sa isyu.

MAKI-BALITA: Ogie Diaz, naghain ng counter affidavit kontra cyber libel case ni Bea Alonzo