Binigyang-pugay ni House Speaker Martin Romualdez ang mga katulad niyang ama, kung saan ibinahagi niyang hindi palaging madali ang gampanan ang papel ng isang haligi ng tahanan.

Sa isang pahayag sa pagdiriwang ng Father's Day ngayong Linggo, Hunyo 16, binati ni Romualdez ang mga tatay, lolo, at “father figures” sa buong bansa.

“Today is a special day to honor and appreciate the incredible love, sacrifice, and dedication you show every day. Being a father myself, I understand the joys and challenges that come with this role. It's not always easy, but the smiles, the laughter, and the moments of pride make it all worthwhile,” ani Romualdez.

Ibinahagi rin ng House leader ang kaniyang pasasalamat sa mga aral na natutunan daw niya mula sa kaniyang sariling ama, at ang katatagang ipinakita raw nito tuwing nahaharap sa mga pagsubok sa buhay.

“His legacy lives on in the values he instilled in me, and I strive to pass those same values on to my children,” aniya.

Kaugnay nito, hinakayat ni Romualdez ang bawat isang alalahanin at bigyang-pugay ang mga tatay na pumanaw na.

“Their love and guidance continue to shape our lives and inspire us to be the best versions of ourselves.”

“To all fathers out there, thank you for your boundless love and unwavering commitment. You are the pillars of strength in your families and in our communities. May you be celebrated not just today, but every day, for all that you do,” saad pa ni Romualdez.