Ibinahagi ng isang miyembro ng Sangguniang Bayan sa Coron, Palawan ang kopya ng isang resolusyon upang maipadeklarang "persona non grata" ang social media personalities na sina Rendon Labador at Rosmar Tan Pamulaklakin, na nanguna sa "Team Malakas" sa isinagawa nilang charity event sa nabanggit na lugar.

Kaugnay pa rin ito ng mainit na komprontasyon ng dalawa sa isang babaeng kawani sa munisipyo na nagpakawala ng rant sa social media kaugnay sa "panggagamit" daw ng vloggers sa mga taga-Coron para sa kanilang views; isa pa, tila nagreklamo raw ang babae dahil wala raw naiabot na ayuda sa kanilang mga nag-assist sa event na dinagsa ng mga tao.

MAKI-BALITA: Rendon, Rosmar inulan ng batikos dahil sa ‘komprontasyon’ sa Coron

Mababasa sa Facebook post ni Juan Patricio Eyes ang nilalaman ng resolusyon kaugnay ng deklarasyon ng pagka-persona non grata ng dalawa, dahil hindi raw nagustuhan ng mga taga-Coron ang naging behavior ng dalawa sa babaeng kawani sa Office of the Vice Mayor.

Tsika at Intriga

Darryl Yap, may buwelta sa mga nagsasabing sinayang si ex-VP Leni

Hinikayat din niya ang babaeng kawani na kinilala sa pangalang "Jho Cayabyab Trinidad" na magsampa ng reklamo sa dalawa, bagama't sa isang video ay humingi na siya ng tawad sa dalawang socmed influencers dahil sa mga binitiwan niyang post.

"Coronians, eto na po ang resolution na ihahain sa next regular session declaring 'Rosmar' and Rendon Labador persona non-grata in the municipality of Coron."

"Jho Cayabyab Trinidad I suggest mag reklamo sa sa appropriate venues/agencies against these people.

I would like to strongly recommend to my fellow legislators, VM Ashian and Mayor Marjo; that we provide Ms. Jho Cayabyab Trinidad with whatever assistance she needs should she decide to file appropriate charges against Labador and 'Rosmar,'" aniya pa.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang dalawa kaugnay sa isyu.