Naglabas ng abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kaugnay sa suspensyon ng expanded number coding scheme.
Sa isang pahayag, sinabi ng MMDA na suspendido ang expanded number coding scheme sa Miyerkules, Hunyo 12, sa paggunita ng ika-126 na anibersaryo ng kalayaan ng Pilipinas.
Inaanyayahan din nila ang publiko na makibahagi sa gaganaping aktibidad sa Quirino Grandstand.
“Inaanyayahan ang publiko na makibahagi sa mga aktibidad na inihanda ng pamahalaan para sa selebrasyong ito sa Quirino Grandstand at Rizal Park sa Maynila simula ngayong araw, Hunyo 10 hanggang Hunyo 12, araw ng pagdiriwang,” pahayag ng MMDA.
Paalala rin nila: “Saan man ang iyong destinasyon, laging tandaan: planuhin ang biyahe, sumunod sa batas trapiko, at mag-ingat sa pagmamaneho.”