Naitanong sa Kapuso actor na si Xian Lim kung nagawa na ba niyang makipag-playtime sa mga dati niyang nakarelasyon nang kapanayamin siya sa press conference ng upcoming movie niyang “Playtime.”

Ayon sa ulat ng GMA Integrated News na inilathala nitong Miyerkules, Hunyo 3, inamin ni Xian na hindi raw niya nagawang mang-playtime pero hindi raw niya sigurado kung na-playtime na siya.

"Kung ako 'yong nang-playtime, hindi po. Kung ako ba 'yong na-playtime, hindi ko alam. If sa duration ng relationship, masasabi mo, no matter how long, kung playtime nga ba, I don't think so,” saad ni Xian. 

“Maski sabihin po natin na weeks lang po 'yan, years, you can never say it's playtime because if there was a reason kung bakit dumating 'yong taong 'yon sa buhay mo, mapamaganda or hindi, there's a reason why that person played a role in your life. 

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Dagdag pa niya: “So, definitely, hindi siya playtime."

Matatandaang kagagaling lang ni Xian sa breakup noong Disyembre 2023 matapos nila itong kumpirmahin  ni “It’s Showtime” host Kim Chiu sa pamamagitan ng kanilang social media accounts.

MAKI-BALITA: ‘End of a Love Story!’ Kim Chiu kinumpirmang hiwalay na sila ni Xian Lim

MAKI-BALITA: Xian kay Kim: ‘No goodbyes here, I’ll see you around’