Naghayag ng pananaw ang aktres na si Maxene Magalona tungkol sa usap-usapan ngayong Divorce Bill na isinusulong nang maisabatas.

Sa isang Instagram post ni Maxene noong Huwebes, Mayo 30, ibinahagi niya ang halaga ng pag-alis sa toxic relationship na nakakapinsala sa mental health ng isang tao.

“When people get married, they do it by taking a risk. We don’t get married with a guarantee that the relationship will truly work. We just pray that it will. Almost everyone shows their best selves before marriage and after they get married, their true colors start to show,” pahayag ni Maxene.

“When we begin to see the cracks and issues that arise in the relationship, we exhaust all efforts to try to make it work for the sake of the marriage. As Catholics, we take marriage very seriously and view it as a sacrament. This is true. Marriage IS supposed to be a sacred union between two people,” aniya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Gayunpaman, dahil karamihan umano sa mga tao ang hindi pa nakapagpapahilom ng kanilang mga sugat mula sa kanilang pagkabata, nakapagpapakasal sila na sa huli ay humahantong sa toxic na relasyon—ang dapat sana’y sacred union.

Dagdag pa ni Maxene: “And what’s worse is that they think that having kids will solve everything. When the kids come, the problems are still there and they end up fighting in front of the children which leaves them traumatized and mentally damaged. They grow up within a toxic marriage which becomes the benchmark of their own relationships when they become adults. The vicious cycle never ends.”

Kaya naman nagpakita siya ng suporta sa lahat ng Pilipinong nakulong sa toxic na relasyon at hindi makalabas mula roon lalo na ang mga nakakaranas ng pang-aabuso.

Sabi pa ng aktres: “I can’t believe we are the only nation in the entire world that forbids divorce. In my humble opinion, divorce helps protect the sanctity of marriage by allowing the toxic marriages to dissolve and keeping the sacred ones intact. I sincerely pray for peace and progress for the Philippines.” 

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa mahigit 34k ang naturang post ni Maxene.