Iniimbestigahan na ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang pagka-blocked ng isang kilalang microblogging platform sa bansa matapos itong maiugnay sa ilegal na sugal kamakailan.
Makikita sa post ng CICC noong Miyerkules, Marso 11, na tinitiyak nila ang publiko na prayoridad nila ang imbestigasyon ng Tumblr matapos nilang matanggap ang sunod-sunod na report mula sa concerned citizens mula sa mga nagdaang-araw matapos ma-redirect ang mga ito sa domain na “blocked.sbmd.cicc.gov.ph” habang sumusubok pumasok sa site.
“The Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) is currently investigating the series of reports raised by concerned citizens online regarding the alleged blocking of microblogging and social networking platform Tumblr in the Philippines. The CICC assures that this matter is being reviewed with priority, and we will provide further updates once the investigation is completed,” saad ng CICC.
Ang nasabing insidente ay kinilala naman ng Tumblr sa kanilang X account noon ding Marso 11, at tiniyak din nilang isinasaayos na ito.
“[W]e’re heartbroken that users in the Philippines are currently unable to access Tumblr. [W]e are aware of the issue and are working to resolve it,” saad ng Tumblr.
Ayon sa mga ulat, posibleng na-block ang microblogging platform bilang parte ng kampanya ng bansa laban sa ilegal na online sugal.
Ang Tumblr ay unang nailabas noong 2007 na nagbibigay espasyo sa users nito upang gumawa ng kanilang short-form contents upang mapalawig ang malikhain pagpapahayag.