Nagtamo umano ng injury sa paa at iba pang parte ng kaniyang katawan ang bagong supreme leader ng Iran na si Mojtaba Khamenei matapos ang naging unang yugto ng pag-atake ng United States noong Pebrero 28, base sa mga lumabas na ulat mula sa international news outlets nitong Huwebes, Marso 12, 2026
KAUGNAY NA BALITA: KILALANIN: Si Mojtaba Khamenei, ang bagong supreme leader ng Iran
Matapos ang nasabing pag-atake, nasawi ang ama ni Mojtama na si dating Iranian Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei at lima (5) pa niyang mga kaanak, ayon naman ito sa kumpirmasyon sa isang pahayagan ng Iran’s ambassador sa Cyprus na si Alireza Salarian noong Miyerkules, Marso 11, 2026.
KAUGNAY NA BALITA: Kaanak ni Iranian supreme leader Ali Khamenei, nasawi sa airstrikes ng US, Israel
Pagkumpirma ni Salarian, tingin daw niyang nananatili pa rin sa ospital si Mojtaba dahil sa mga tinamo nitong sugat sa binti, braso, at kamay.
“I have heard that he was injured in his legs, hand and arm… I think he is in the hospital because he is injured,” saad niya.
Bukod dito, nagtamo din umano si Mojtaba ng galos sa may kaniyang kaliwang mata at iba pang parte ng kaniyang mukha.
Ani Salarian, tila ito raw ang dahilan kung bakit hindi pa nakakapagbigay ng pahayag sa publiko ang bagong itinalagang supreme leader ng Iran.
Simula kasi nito, hindi na namataan pa sa publiko ang presensya ni Mojtaba.
Sa kanila nito, matatandaang napagdesisyunan na ng mga miyembro ng clerical body noong Marso 9, 2026, ang pagtatalaga kay Mojtaba bilang successor ng namatay niyang ama.
Ayon pa sa Assembly of Experts, via “decisive vote” ang pagkakapili kay Mojtaba bilang bagong supreme leader ng kanilang bansa.
Siya ang magsisilbing ikatlong supreme leader ng Iran, matapos ang 37 taong panunungkulan ng kaniyang ama sa Iran simula noong 1989.
KAUGNAY NA BALITA: Anak ni Ali Khamenei, itinalaga bilang bagong supreme leader ng Iran!
KAUGNAY NA BALITA: Trump, dismayado sa desisyong pagpapalit ng supreme leader ng Iran!