Tila wala muna sa plano ni Paulo Avelino ang pakikipagrelasyon dahil kasalukuyan siya nakatutok sa karera niya bilang isa sa mga namamayagpag na aktor.

Sa isang episode ng “Cristy Ferminute” nitong Lunes, Mayo 20, sinabi ni showbiz columnist Cristy Fermin na tila hinahanapan si Paulo ng ekstrang atensyong ibibigay para sa ka-loveteam nitong si Kim Chiu. 

Ayon kay Cristy: “Ang hinahanap siguro ng ating mga kababayan—lalo na ang kanilang mga tagahanga—’yong para bang bigyan ng extra attention pa ni Paulo Avelino ang kanilang pagtatambal ni Kim Chiu,”

“Pero gano’n talaga, e. Kung hindi pa naman talaga napapanahon na gano’n ang ipakita niya, ‘di ba. Hindi siya nagpapaka-plastic,” dugtong pa niya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Yes,“ segunda naman ng co-host niyang si Romel Chika, “ang ginagawa lang ni Paulo: ‘trabaho ito kaya dapat ginagalingan lang. ‘Yon lang. Hanggang do’n. Professional lang ang level.”

Matatandaang kamakailan lang ay tila nadismaya ang ilang fans kay Paulo nang sumalang siya sa “Luis Listens” dahil tila ayaw niyang aminin ang relationship status niya.

MAKI-BALITA: Paulo Avelino, tikom ang bibig sa relationship status niya