Inilahad ng aktor na si Dominic Roque ang kalagayan niya tatlong buwan matapos nilang kumpirmahin ngfiancée niyang si Bea Alonzo ang kanilang hiwalayan.

Sa ulat ng “Saksi” nitong Lunes, Mayo 20, sinabi umano ni Dominic na ayos naman daw ang lahat at nasa moving on stage na siya.

"I'm okay," sabi niya. "I'm happy, actually. Everything is okay."

Ayon pa sa ulat, abala raw sa ngayon si Dominic sa negosyo nito at sa pagta-travel para sa mga binubuong social media content.

Relasyon at Hiwalayan

Barbie Forteza, handa nang magpakasal?

Matatandaang Pebrero nang basagin nina Dominic at Bea ang katahimikan tungkol sa umuugong na balitang hiwalay na silang dalawa sa pamamagitan ng isang social media post.

MAKI-BALITA: Bea Alonzo, binasag na katahimikan sa hiwalayan nila ni Dominic Roque

Bago pa man kasi ito ay nauna nang kinumpirma ni “Asia’s King of Talk” Boy Abunda ang breakup ng ex-celebrity couple sa isang episode ng kaniyang programa.

MAKI-BALITA: Bea Alonzo, Dominic Roque hiwalay na!