Ginahasa ng isang security guard ang kaniyang 16-anyos na anak sa Quezon City noong Lunes ng madaling araw.

Sa ulat ng ABS-CBN News, dumulog sa QCPD Station 9 ang nanay ng biktima kaya agad nagsagawa ng hot pursuit operation ang pulisya at inaresto ang suspek sa pinapasukang trabaho sa Araneta Avenue sa Quezon City.

Metro

Iskedyul para sa Undas, maagang inilabas ng Manila North Cemetery

Sa panayam nila kay station commander Police Lieutenant Colonel Ferdinand Casiano, nakainom umano ang suspek nang gahasain niya ang anak. Wala rin daw no’ng oras na ‘yon ang nanay ng dalagita.

Aminado naman daw ang suspek sa nagawa niya at humingi ng pasensya sa kaniyang pamilya.

Nakapiit ngayon ang suspek Anonas Police Station at nahaharap sa reklamong statutory rape.

Dagdag pa ng ulat, nakulong na rin noon ang suspek dahil sa kasong serious physical injuries.