Nagbigay na raw ng pahayag ang TV host-actor na si Luis Manzano kaugnay sa lumulutang na kuwento na tatakbo umano siyang Mayor ng Lipa City, Batangas.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Biyernes, Mayo 10, ibinahagi ni showbiz insider Ogie Diaz ang sinabi umano sa kaniya ni Luis tungkol sa kandidatura nito.

“Sinabi ni Luis na malabo sa ngayon na siya ay tumakbo. Siya ay bumababa on behalf of his Tito Ralph Recto,” saad ni Ogie.

“So ibig sabihin, si Tito Ralph ang tatakbo?” tanong ng co-host niyang si Mrena.

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

“‘Yan ang ‘di pa natin nalalaman. Sa ngayon, Secretary of Finance si Tito Ralph mo. At si Luis naman, nagre-represent lang para kay Tito Ralph mo. Minsan naman daw ang bumababa ay ang kaniyang kapatid na si Ryan Christian,” sagot ni Ogie.

Pero kung tatanungin daw ang ina ni Luis na si Star for All Seasons Vilma Santos, welcome na welcome daw para rito ang ideya ng kandidatura ng kaniyang anak.

Matatandaang nauna nang naiulat noong pang Marso sa “Showbiz Now Na” ang umano’y plano ni Luis na pagpasok sa politika.

MAKI-BALITA: Luis Manzano, papasukin na rin ang politika?