Nakatakda nang simulan ng Manila City Government sa susunod na linggo ang 'payout' para sa buwanang allowance ng mga senior citizen sa Maynila.

Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna, naglabas na ang pamahalaang lungsod ng memorandum para sa 896 barangays sa lungsod na gagamiting gabay ng barangay chairman at treasurers para sa pagre-release ng allowance.

Metro

Hinahanap daw ang anak: Lolo na may Alzheimer’s nahulog sa creek, nalunod!

Sinabi ng alkalde na ang schedule ng payout ng lahat ng allowance para sa senior citizens ay makikita sa official Facebook page ng lungsod.

Ayon naman sa Office of Senior Citizens' Affairs (OSCA), na pinamumunuan ni Elinor Jacinto, mayroong 180,000 senior citizens sa lungsod.

Dagdag pa niya, sa ilalim ng social amelioration program na ipinatutupad ng Lacuna administration, bawat senior citizen ay tatanggap ng monthly financial assistance na P500 mula sa lungsod.

Tatanggap umano ng P2,000 payout ang kada senior citizen simula sa Mayo 13 na mula Enero hanggang Abril, 2024.

Binigyang-diin ng alkalde na sa kabila na 'di kalakihan ang allowances na ipinamimigay ng lungsod, ito naman ay pagpapakita ng malasakit sa mga seniors upang makatulong sa costs ng maintenance medicines para sa nakatatanda at para din madagdagan nila ang mga ipinamimigay na libreng gamot sa 44 health centers.