Ginanap ang grand media conference para sa cast ng upcoming series na “High Street,” ang sequel ng 2023 hit primetime series na “Senior High,” nitong Martes, Mayo 7.

Pinangunahan ni Kapamilya star Andrea Brillantes ang event na isinagawa sa SM Aura sa Taguig City.

Kasama ni Andrea ang mga direktor ng series na sina Onat Diaz at Lino Cayetano, maging ang kaniyang co-stars na sina Juan Karlos Labajo, Angel Aquino, Kian Cipriano, Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat, Elijah Canlas, Miggy Jimenez, Gela Atayde, Tommy Alejandrino, Mon Confiado, Gerard Madrid, Angeli Bayani, Ana Abad Santos, at Rans Rifol.

Present din ang fresh characters ng Kapamilya serye na sina Ralph de Leon, AC Bonifacio, Harvey Bautista, at Dimples Romana.

Teleserye

Netizens windang sa 'Wish Ko Lang' dahil sa 'ipinagbabawal na bibingka'

Nagsimula ang event sa pagrampa ng cast sa red carpet na talagang inabangan naman ng kanilang fans na may dala-dala pang placards para sa kanilang mga idolo.

Sinundan ito ng special screening ng unang episode ng “High Street” at ng press conference kung saan shinare ng cast ang kanilang excitement sa nalalapit na pag-ere ng series.

“Sana po suportahan n’yo ang High Street katulad ng pagsuporta n’yo po sa Senior High,” saad ni Andrea.

Unang mapapanood ang High Street sa darating na Lunes, Mayo 13, dakong 9:30 ng gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, Jeepney TV at TV5. Magiging available din ito sa iWantTFC at TFC.