Nagbigay ng update ang “High Street” star na si Elijah Canlas kaugnay sa relationship status nila ng ex-jowa niyang si Miles Ocampo.

Sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN News kay Elijah nitong Martes, Mayo 7, sinabi ni Elijah na sobrang saya raw nila ngayon.

"We're doing good. We're very happy. Of course, of course. We're taking it easy," pahayag ni Elijah.

Spotted kasi ang aktor sa birthday celebration ni Miles kamakailan kung saan ayon sa kaniya ay kabilang daw siya sa mga nag-organize.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"All our friends were there. Kami ang nag-organize sa salubong party niya. In-enjoy lang namin. Well, right now we’re just enjoying what we have. We’re taking things easy lang para walang pressure,” aniya.

Dagdag pa ni Elijah: "We’re just taking our time. Doon lang kami sa focusing on our work. S'yempre, marami rin siyang work, marami rin akong work. Of course, the love and care for each other will always be there." 

Pero bago pa man ito, nauna nang inamin ni Miles sa isang panayam noong Marso na nag-uusap na raw ulit sila ni Elijah matapos ang kanilang breakup.

MAKI-BALITA: Miles Ocampo, Elijah Canlas inaayos ang nasirang relasyon

Matatandaang Nobyembre 2023 nang kumpirmahin ni Elijah sa isa ring panayam ang tungkol sa kanilang hiwalayan.

MAKI-BALITA: Elijah Canlas, Miles Ocampo hiwalay na