Nagbigay ng pahayag ang dating child star na si Buboy Villar kaugnay sa bonding moment nila ng ex-partner niyang si Angillyn Gorens noong Marso.

Sa eksklusibong panayam ng GMA Integrated News nitong Miyerkules, Mayo 8, sinabi ni Buboy na napagkasunduan daw nilang dalawa na hindi kamuhian ang isa’t isa kahit humantong sa hiwalayan ang kanilang relasyon.

“Bilang nanay siya ng mga anak ko, tatay ako ng mga anak namin, so napagkasunduan namin na no hate to each other. Dapat love lang,” pahayag ni Buboy.

“Lalo na sa panahon ngayon ‘no? Ang init-init na nga ng panahon, bibigyan pa ba natin ng negative vibes? Wala lang po ‘yon. Parang bonding with the kids lang talaga siya,” aniya.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

Dagdag pa ni Buboy: “So sinulit lang namin ‘yong time talaga with the kids kasi siyempre hindi naman niya nakikita talaga ‘yong mga anak namin kasi naka-base siya sa US. Talagang ‘yong mga ganoong moment, ‘di na dapat pinagdadamot pa.”

Matatandaang naging magkarelasyon sina Buboy at Angillyn nang mahigit ilang taon at na-engage pa nga noong 2016. Nagkahiwalay naman sila noong 2020.

Samantala, nali-link naman si Buboy kamakailan sa social media personality na si Jelai Andres. Kaya sa isang panayam ay isiniwalat niya ang real score sa pagitan nilang dalawa.

MAKI-BALITA: Buboy, nagsalita na sa real score nila ni Jelai