Nagsalita na ang aktor na si Xian Lim kaugnay sa real-score nila ng producer na si Iris Lee nang maitampok siya sa isang magazine article.

Sa naturang artikulo na inilathala nitong Huwebes, Mayo 2, kinumpirma ni Xian na masaya silang nagde-date ni Iris.

“Yes, I’m seeing Iris. Just to clear everything, to clear all the speculations. We are seeing each other and we are very happy,” saad ni Xian.

“Una sa lahat, Iris is a talented filmmaker. She's my producer and she's also my creative partner,” dugtong pa ng aktor. 

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Nagsimulang umugong ang pangalan ni Iris bilang bagong babaeng nagpapatibok sa puso ni Xian sa showbiz-oriented vlog din ni Ogie. Naispatan din ng ilang Pilipino na magkasama sa Thailand ang dalawa.

MAKI-BALITA: Ogie Diaz may tanong kay Xian Lim: ‘Sino si Iris Lee?’

MAKI-BALITA:  Sila na ba? Xian Lim, Iris Lee ‘HHWW’ raw sa Thailand

Matatandaang kagagaling lang ni Xian sa breakup. Kinumpirma nila ni Kim Chiu ang kanilang hiwalayan noong Disyembre 2023 sa pamamagitan ng kani-kanilang social media accounts.

MAKI-BALITA: ‘End of a Love Story!’ Kim Chiu kinumpirmang hiwalay na sila ni Xian Lim

MAKI-BALITA: Xian kay Kim: ‘No goodbyes here, I’ll see you around’

Gayunpaman, inamin ni Kim sa isang panayam na bukas pa rin naman daw siya sa posibilidad na makatrabaho ang kaniyang ex-jowa.

MAKI-BALITA: Kim Chiu, okay lang daw makatrabaho si Xian Lim