How true ang balita na niligawan umano ni “Can’t Buy Me Love” star Donny Pangilinan sa Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo?

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Martes, Abril 16, iniulat ni showbiz insider Ogie Diaz ang nasagap niyang impormasyon mula sa isang source.

“Minsan pala, e, pinormahan nitong isang young actor si Kathryn. As in niligawan,” saad ni Ogie.

Tanong tuloy ng co-host niyang si Mama Loi: “Kailan? Noong habang sila pa ni Daniel o after?” 

Tsika at Intriga

Payo ni Valentine kay Chloe: 'Beh matuto ka gumalang sa mas nakakatanda sayo!'

Hindi, wala na si Daniel at si Kathryn,” tugon ni Ogie. “E ’di ba ’yong dati, ’di ba nag-viral pa ’yon? ’Yong inaalok pa si Kathryn ng ano, softdrinks, kasi baka nakainom si Kathryn, pampababa ng tama or something… ’Di ba, ‘yong inalok siya ng softdrinks.”

MAKI-BALITA: Video clip, kalat na: Donny nili-link kay Kathryn

Dagdag pa ni Ogie: “Basta, ’yon ‘yong nakarating lang sa akin. Ngayon, na kay Donny—ay ano ba ’yan!—nadulas tuloy ako. Hindi, nasa kanya na ’yon kung gusto niyang aminin ‘yan, na minsan pinormahan niya si, or niligawan niya si Kathryn.”

Pero hindi raw natuloy ang naturang panliligaw ayon sa showbiz insider Sa hula niya, baka na-realize ni Donny na wala naman magandang patutunguhan lalo pa’t kasalukuyan niyang ka-love team si Kapamilya star Belle Mariano.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag sina Donny at Kathryn para kumpirmahin o pabulaanan ang naturang balita.