Isiniwalat ng aktres na si Kaye Abad na ang aktor na si Patrick Garcia raw ang naging super crush niya noong kabataan niya.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, Abril 12, sinabi niya ang dahilan kung bakit siya humanga sa aktor.

“Ang naalala kong super crush ko si Patrick talaga. [...] Kasi ‘di ba ano ‘yan crush ng bayan before. ‘Yong hati sa gitna, mestiso, tapos mysterious,” saad ni Kaye.

“Hindi ‘yan basta-basta namamansin, e. Supladito ‘yan, e. So, crush na crush ko talaga siya no’n,” aniya.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

“Tapos morena ako. ‘Yong hitsura ko talaga noon para talagang kung mag-aartista ako ngayon komedyante siguro ako, e,” natatawang sabi ng aktres.

Matatandaang nagkasama sina Kaye at Patrick sa patok na youth oriented show na “Tabing Ilog” noong huling bahagi ng dekada 90.

Samantala, sa isang bahagi naman ng panayam ay inamin ni Kaye kung sino sa mga ex-jowa niya ang pinakanahirapan siyang mag-move on.

MAKI-BALITA: Kaye Abad, nahirapang mag-move on kay John Lloyd Cruz