Hindi raw itinatago ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy.

Pinabulaanan mismo ni Duterte noong Huwebes, Abril 11, ang mga usap-usapang itinatago niya si Quiboloy.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

“I will give you P500,000 if you can find him in my house,” pabirong sabi pa niya.

Bukod dito, inanyayahan din ng dating pangulo ang mga media sa Davao na samahan siya sa Tamayong Prayer Mountain para hanapin si Quiboloy doon.

“He will go around there, you will chase each other, and when you are tired and done, you’ll end up joining the Kingdom of Jesus Christ,” saad ni Duterte nang ilarawan din niya kung gaano kalaki ang lupain ng KOJC sa Tamayong.

Matatandaang naglabas ng arrest warrant ang Pasig regional trial court (RTC) laban kay Quiboloy  sa kasong qualified human trafficking.

MAKI-BALITA: Pasig RTC, naglabas ng arrest warrant laban kay Quiboloy

Mayroon ding pending warrant of arrest si Quiboloy na inisyu ng Davao City Regional Trial Court (RTC) dahil sa paglabag sa Sections 10(a) at 5(b) ng Republic Act (RA) No. 7610, the Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act, sa di-umano’y sekswal na pang-aabusong ginawa niya noong 2011 laban sa isang babae na noon ay 17 taong gulang.

Samantala nitong Abril 8, binigyang-diin ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin C. Remulla na dapat daw sumuko si Quiboloy hindi ayon sa sarili nitong tuntunin kundi ayon sa mga tuntunin ng batas.

MAKI-BALITA: Walang exempted: Quiboloy, dapat daw sumuko ayon sa tuntunin ng batas