May nilinaw ang “Queen of Bangsamoro Pop” na si Shaira Moro kaugnay sa isyu sa pagitan nila ng Australian singer-songwriter na si Lenka.

Sa isang video statement na inilabas ni Shaira nitong Linggo, Abril 7, sinabi niya na wala raw kasong isinampa sa kanila ang kampo ni Lenka.

“Para maliwanagan ang lahat ukol sa isyung ito, gusto ko lang pong ipaalam na wala pong kasong isinampa laban sa amin,” pahayag ni Shaira.

“Sa katunayan, naging mahinahon at mapayapa ang pag-uusap namin ng kampo ni Lenka at nauwi po ito sa pagkakaroon ng kasunduan hinggil sa pamamaraan ng muling paglabas ng kanta sa mga online streaming platforms,” dugtong pa niya.

Musika at Kanta

Funny pero dark? 'Salarin, Salarin' ng BINI-b10 umani ng reaksiyon

Kaya naman, kasunod nito ay masayang inanunsiyo ni Shaira sa naturang video statement na mapakikinggan na ulit ang kanta niyang “Selos” na talaga namang pumatok sa social media.

MAKI-BALITA: ‘Selos’ ni Shaira, muling ilalabas sa online streaming platforms

“Nais ko ihayag sa inyong lahat na malapit na po naming ibalik sa mga streaming platform ang kantang ‘Selos.’ Kasabay na rin po ng iba pang kanta ng aming produksyon,” saad niya.

Matatandaang nabalot si Shaira ng kontrobersiya matapos mapuna ng maraming netizens na tila katunog ng “Selos” ang  “Trouble Is A Friend” ni Lenka.

MAKI-BALITA: ‘Selos’ ni Shaira, tinanggal na sa mga online streaming platform