Tila pasimpleng inaddress ni Kapuso star-fashionista Heart Evangelista ang mga kumakalat na espekulasyong isinugod sa ospital ang kaniyang mister na si Sen. Chiz Escudero matapos daw ma-stroke, atakihin sa puso, at nagkaroon ng aneurysm.

Kumalat sa social media ang blind item tungkol sa isang senador na nasa ospital daw, batay na rin sa expose ng vlogger na si "Maharlika" na bumabanat kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. gayundin kay First Lady Liza Araneta-Marcos.

Sa mga kumalat na blind item, isang "male senator from Sorsogon" umano ang kasalukuyang nasa St. Luke's Hospital at "airlifted" pa o inilipad mula sa Sorsogon patungo sa Bonifacio Global City o BGC.

Kung bibisitahin naman ang Instagram account ng mag-asawa, wala silang posts patungkol sa kasalukuyang kondisyon ng senador.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ngunit ang huling post ng senador ay tungkol sa kaniyang pangarap na magkaroon ng medical school sa Mindanao, noong Biyernes, Abril 5.

Mababasa rito, "It is my hope that in the near future, we will see the rise of another medical school in Mindanao. Kaya naman po ginagawa natin ang lahat na pwede nating maitulong bilang Chairman ng Senate Committee on Higher, Technical and Vocational Education (CHTVE)."

"Recently, I rose before the plenary to sponsor House Bill 7089, also known as 'An Act Establishing a College of Medicine in the University of Science and Technology of Southern Philippines- Cagayan de Oro City Campus.'"

"Layunin po natin na makapagbigay ng mga kurso sa medisina sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang matugunan ang pangangailangan sa kalusugan ng ating mga kababayan."

Wala ring kahit anong post o larawan sa kaniyang Instagram stories.

Sa kaniyang opisyal na Facebook page naman, ang huling post ay isang art card na bumabati sa lahat ng "Easter Sunday," noong Marso 31.

Mababasa naman sa comment section ang pag-aalala at pangungumusta ng mga netizen sa senador.

Kung bibisitahin naman ang Instagram page ni Heart, nag-post siya ng kaniyang mga larawan subalit wala siyang post tungkol sa kalagayan ng kaniyang mister na senador.

Samantala, kalat na sa social media ang kuhang video ng isinagawang live ni Heart habang nagpipinta.

Nahagip naman ng camera si Chiz na ginugupitan ng buhok habang kumakain ng pizza, kaya masasabing nasa maayos na kalagayan lang ang senador.

"Hi babe!" sabi pa ni Heart. "Anong kinakain mo?" tanong niya sa mister.

Sumagot si Chiz na kumakain siya ng pizza.

[embed]https://twitter.com/lovemarielately/status/1776100136814313554?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1776100136814313554%7Ctwgr%5E999849645a804c418a8d891abbe08e7ebeddacff%7Ctwcon%5Es1_&ref_url=http%3A%2F%2Fwww.fashionpulis.com%2F2024%2F04%2Fwith-chiz-escudero-having-haircut-and.html[/embed]

Wala pang inilalabas na pahayag ang kampo ng senador upang pabulaanan ang "stroke rumor" na idinikit sa kaniya.