Nilinaw ni showbiz insider Ogie Diaz na hindi raw niya tinitira ang Kapamilya star na si Janine Guiterrez.

Sa latest episode kasi ng “Showbiz Updates” nitong Martes, Abril 2, iniulat ni Ogie ang tungkol sa mga reaksiyon ng fans ni Janine na tila pinaparatangan siyang may galit sa aktres.

“Nagre-react ‘yong mga fans ni Janine Gutierrez. Bakit daw parang galit ako, or may sama ako ng loob, or parang ayaw ko si Janine. Ganyan. Kasi nga, inamin ko raw na KimPau fan ako,” lahad ni Ogie.

“Hindi namin tinitira dito si Janine. Binabalita lang namin dito. Alam n’yo, ito ang gusto kong sabihin sa inyo, ha, walang makakaawat sa akin,” aniya.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Dagdag pa niya: “Syempre, hindi n’yo naman kami pwedeng diktahan kung anong gusto naming sabihin; gawin naming opinyon dito. Syempre, may mga pagkakataon na hindi n’yo magugustuhan ‘yong mga binabalita namin. Lalo na kung sobra kayong fanatic sa isang celebrity.”

Kaya mungkahi ng showbiz insider, sa kani-kanilang social media account na lang sila maglabas ng kanilang mga opinyon at pahayag.

Matatandaang ibinalita kamakailan ni Ogie sa kaniyang naturang vlog na hindi raw muna gustong makatrabaho ni Janine si Paulo at ang posibleng dahilan nito.

MAKI-BALITA:  Janine Gutierrez, ayaw munang makatrabaho si Paulo Avelino?