Inamin ng Kapuso news anchor na si Mariz Umali na hindi raw siya tumatanggi sa ibinibigay na trabaho sa kaniya bilang isang mamamahayag.

Sa isang episode kasi ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Lunes, Abril 1, tinanong ni Boy kung nagtrabaho ba si Mariz at ang asawa nitong si Raffy Tima sa nakalipas na Semana Santa.

“Mayroon kaming duty noong Saturday,” lahad ni Raffy.

“Saka po nag-24 Oras po ako no’ng Good Friday. So, Monday and Thursday lang po kami nakapagpahinga because we were given the chance to choose kung anong araw po kami magtatrabaho,” saad naman ni Mariz.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“We have to choose Thursday, Friday, or Saturday. So, we choose Saturday kasi marami pong mga religious activity kaming kailangan puntahan on Monday, Thursday, and Good Friday,” dugtong pa niya.

Ayon kina Raffy at Mariz, normal daw ang ganitong set-up ng trabaho sa mga gaya nilang broadcasters at news reporter.

Tanong tuloy ni Boy: “Can you say no?” Na ang tinutukoy ay ang ibinibigay sa kanilang trabaho.

“Pwede naman,” sagot ni Raffy.

“I don’t say no,” tugon naman ni Mariz, “go lang po. Work is a blessing.”

Pero dahil sa giyera madalas na pinapapunta si Raffy para magbalita, kailangan niyang tumanggi paminsan-minsan.

“So, may mga pagkakataon na kailangan kong ipahinga ang sarili, kailangan mong ipahinga ‘yong emosyon mo, ‘yong utak mo,” wika niya.

Gayunpaman, nilinaw naman ng mag-asawa na personal choice daw nilang dalawa na tumanggi o hindi sa trabaho.