Nagbigay ng payo ang social media personality na si Rendon Labador sa aktres na si Danica Sotto kaugnay sa isyung kinasasangkutan ng asawa nitong si Marc Pingris.

Sa kaniyang MyDay nitong Sabado, Marso 30, mababasa roon ang sinabi ni Rendon kay Danica na higpitan umano ni Danica ang depensa sa asawa nitong basketball player.

“Higpitan mo depensa mo diyan, Danica, baka malusutan ka na naman niyan,” saad ni Rendon.

“Ngayon ko makikita kung magaling talaga si Ping na makawala sa depensa ni Danica. Full court pressure defense ka ngayon kay Danica! Hindi ka kasi sumasama sa aking Ping. Dito sa ka sa mga good boys,” aniya sa isang hiwalay na MyDay.

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

Dagdag pa ni Rendon: “Naiinis din ako sa mga issues na ganyan. Nadadamay kaming mga basketball player na matitino. Hindi lahat ng basketball player babaero, ‘yong iba motivational speaker lang.”

Matatandaang inintriga ng mga netizen na magkasama umano sina Marc at ang aktres na si Kim Rodriguez matapos maglitawan ang mga picture nila na may magkakaparehong background.

MAKI-BALITA:  Nagkataon lang? Kim Rodriguez, Marc Pingris iniintrigang magkasama

Pero sa isang Instagram post ni Marco noong Marso 28, pinabulaanan niya ang naturang isyu. Nagsalita rin ang talent manager ni Kim na si Ogie Diaz tungkol dito.

MAKI-BALITA: Pingris, nagsalita na sa intriga kasama si Kim Rodriguez: ‘Ok kami ng pamilya ko’

MAKI-BALITA: Ogie nagsalita na sa ‘cheating issue’ na kinasangkutan ng alaga: ‘Eh ‘yong totoo…’

Hindi ito ang unang beses na nagbardagulan sina Marc at Rendon. Hinamon kasi ng basketball player ang social media personality matapos nitong magreklamo sa Gilas Pilipinas Head Coach na si Chot Reyes.

MAKI-BALITA: Marc Pingris, hinamon si Rendon Labador: ‘1 on 1 tayo saan at kailan mo gusto pupuntahan kita’