Naglabas ng opisyal na pahayag ang AHS Channel, record label ni Queen of Bangsamoro Pop Shaira Moro, kaugnay sa kanta nitong “Selos.”
Sa Facebook post ng AHS nitong Martes ng gabi, Marso 19, kinumpirma nila sa mga tagapakinig ng naturang kanta na hindi na ito mapapakinggan sa mga online streaming platform.
“On behalf of our artist, Shaira, AHS Productions would like to convey our heartfelt apologies to all those who have enjoyed listening to the song ‘Selos’ as it is now unavailable in all online streaming platforms,” saad ng naturang record label.
“This is a voluntary act on our end as we are still making arrangements with regards to the legality of the publication of the song. We have chosen to take it down from all platforms pending our agreement with the original artist’s management on securing a cover license for ‘Selos,’” anila.
Dagdag pa ng AHS: “As most of you may know, the melody that we have used is originally from a song entitled ‘Trouble is a Friend’ by Lenka and as of the moment, we are already in contact with her team for us to make ‘Selos’ an official cover.”
Gayunpaman, nagpapasalamat pa rin sila sa mga tao na tumangkilik sa “Selos”. Hindi raw nila inaasahang sisikat ito nang gano’n na halos dumating sa puntong ituring na “Queen of Bangsamoro Pop” si Shaira.
Sa huli, umaasa ang AHS na tatanggapin at mamahalin pa rin ng madla ang “Selos” sa oras na maayos nila ang isyu sa copyright ng kanta at muli itong mai-upload.
Matatandaang noong Marso 8 ay naitala ang “Selos” bilang number 1 sa Spotify Viral Songs PH.
MAKI-BALITA: Kilalanin: Shaira, Reyna ng Bangsamoro Pop