Trending sa X ang "Chocolate Hills" dahil sa isang resort na ipinatayo rito, na nakasisira daw sa magandang view ng isa sa mga tourist spot sa Pilipinas.

Photo courtesy: Screenshot from X/Richard de Leon

Makikitang sa top view ay kapansin-pansin nga ang resort na tila panira daw sa magandang view na puwedeng kunan ng larawan ng mga turista.

Makikita sa vlog na "Ren The Adventurer" ang pagtatampok sa nabanggit na resort. Aniya, ito lang daw ang resort na matatagpuan sa gitna ng Chocolate Hills. Ang entrance fee dito ay ₱100 para sa adults, ₱75 naman sa mga bata, at ₱300 naman para sa cottages.

Trending

'Healing the inner teenage phase' ng netizen sa ballpen, makaraming naka-relate

Dahil dito, kinalampag ng mga netizen ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) maging ang lokal na pamahalaan ng Bohol, kung may permit daw ba ang pagpapatayo nito, na makikita sa Captain's Peak, Sagbayan, Bohol. Kuwestyon pa ng mga netizen, bakit daw pinayagan ang pagpapatayo nito sa nabanggit na tourist spot?

"sINCE WHEN DID THE DENR PERMIT A LITERAL RESORT IN THE MIDDLE OF THE CHOCOLATE HILLS"

"Gumawa ng resort sa Chocolate Hills, ang pangit naman"

"may bobong nagpatayo ng resort sa gitna ng chocolate hills. hindi ba protected landscape ito? ang tanga tanga lang 🤦🏻‍♂️"

"Chocolate Hills is a National Geological Monument and being proposed to be a UNESCO World Heritage site. Who gave the permission to build a resort there? 🤨"

"@DENROfficial and LGU Bohol why is there a resort built in the middle of the #ChocolateHills ? This area should be protected at all cost since the Chocolate Hills is one of the Philippines' Natural Treasures. Please take action!"

"WHEN DID THE DENR PERMIT A LITERAL RESORT IN THE MIDDLE OF THE CHOCOLATE HILLS?"

Samantala, noong Setyembre 2023 ay kinalampag na ni Bohol Provincial board member Jamie Aumenado Villamor ang DENR na ipahinto ang konstruksyon ng mga establishment sa paligid ng vicinity ng isa sa mga sikat na tourist attractions sa Pilipinas.

"The DENR-PAMB, in consultation with stakeholders, must address the ambiguity of the rules and guidelines in the development and management of our protected areas to ensure long-term protection and conservation," aniya sa isang panayam.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang DENR o maging ang may-ari ng resort tungkol sa isyu.