Unang-una sa trending list ng X (dating twitter) ang dating patok na social networking site na “Friendster.”

Nag-down kasi nitong Martes ng gabi, Marso 4, ang mga social media platform ng Meta gaya ng Facebook, Instagram, at Messenger.

Ayon sa ulat, nagsimula umanong magkaroon ng problema ang accounts ng mga netizen sa nabanggit na oras at petsa sa buong mundo.

Batay sa mga post ng netizens, nakaranas umano sila ng kusang pag-log-out sa kani-kanilang social media accounts na nasa ilalim ng Meta.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Kaya naman, tila na-miss ng mga netizen ang Friendster dahil sa nangyari. Narito ang ilan sa kanilang mga reaksiyon sa X.

“HALA! #FRIENDSTER IS BACK 😂”

“balik nyo na ang friendster. You’re old enough if you know this app.”

“I remember those times na nasa internet café pa ko and I have to remember my passwords everytime I log in to Friendster, Facebook, and Twitter tapos nagpapa-extend pa ko ng half to an hour para lang maka-chat mga classmates at friends ko 🤭 Those were the days... 🥹”

“friendster is trending lmao penge testi 🫣”

“can we bring back friendster ??¿ i remember the only problem i had was “what song should i put in my profile???¿¿”

“Balik na lang daw tayo sa Friendster. Chos!”

“If totoo man to, mas gusto ko pa ang friendster walang toxic. 😁🤗”

“Ibalik friendster. Never nag down. Ayon shutdown. 😂”

“Sa Friendster dati, famous ka na kapag marami kang comments tapos yung mga background music mo yung mga pang emo.”

“MERON NA PALA ULIT FRIENDSTER? Hahaha baka clone app lang yan.”

“huy bat trending ang friendster? (smiley) pakibalik pics ko plez”

Sa kasalukuyan, maayos na ulit ang mga social media platforms ng Meta at humingi rin sila ng paumanhin sa abalang idinulot nito sa pamamagitan ni Andy Stone, Director ng Meta Communications.

MAKI-BALITA: Meta, humingi ng paumanhin sa pag-down ng kanilang social media platforms