Napapatanong ang mga motorista at nagdaraan sa kahabaan ng C-5 road southbound sa Quezon City kung sino ang nagpagawa ng billboard na nagtatago sa initial na letrang "D."

Mababasa kasi sa nabanggit na billboard, "Wag na tayo mag break, please" na may sad emoticon at nakalagay na "Love, D."

Photo courtesy: via MB

At dahil letrang D, nakakaloka naman ang mga netizen dahil naugnay pa ito sa mga aktor na sina Daniel Padilla at Dominic Roque, na nasangkot sa hiwalayan sa kanilang mga karelasyong sina Kathryn Bernardo at Bea Alonzo.

Human-Interest

ALAMIN: Ilang proseso ng Comelec sa COC ng mga ‘wanna be’ na makapasok sa politika

May mga pabirong nag-tag pa nga sa singer-actor na si Darren Espanto, na nauugnay naman kay Cassy Legaspi, lalo't sinasabing kay Michael Sager na raw ito ng Sparkle shini-ship.

"Ako talaga ‘to. ‘Di ko lang sinasabi kasi private love life ko HAHHAHAHA Kainis," nasabi na lang ni Darren sa kaniyang post.

Habang isinusulat ang balitang ito, wala pang malinaw na detalye kung sino talaga si "D." Hindi rin confirmed kung sina Daniel Padilla o Dominic Roque nga ba ito.