Ganap nang nakapasok ang karakter ni Jake Ejercito na si “Aldrich Co” sa teleseryeng “Can’t Buy Me Love.”

Sa video clip na ibinahagi ni Jake sa kaniyang Facebook account nitong Linggo, Marso 3, ipinakilala ang karakter niya bilang na magtuturo sa karakter ni Maris Racal na si “Irene Tiu” sa bago nitong trabaho sa isang warehouse.

Batay sa usapan ng dalawa, lumalabas na matagal nang magkakilala sina Aldrich at Irene dahil magka-schoolmate pala sila.

At base sa paglalarawan ni Irene, tila bongga ang pagkatao ni Aldrich at hindi pangkaraniwang estudyante lang. Dati raw kasi itong presidente ng student council at debate club. 

Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room

Bukod pa rito, captain ball din si Aldrich ng football team at valedictorian pa ng kanilang batch.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang eksena nina Aldrich at Irene. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Paano na ang 5k a week ni Snoop? 😭😃”

“We love you Jake pero wag mo sana galet SnoRene heart namin 🥹😍”

“Aii bkt parang bumata ka jan bii 🥰”

“Halos lahat ng ka loveteam ni maris may chemistry pero mas malakas ang chemistry nila ng boyfriend nyang c rico Blanco,🤗🥰😍”

“napa²ligiran c irene tiu ng mga tisoy 😅”

“Nku po Snoop! Ang guwapo ng ka LT nyo😍”

“May chemistry sila😍😍”

“Huwow Shuta Jake Ejercito di kita nahalata ditey, bat ang gwapo gwapo mo sa look mong yan🤤🤗🤗🤗🤗🤗🩷”

“Ang confidence ni Irene diko kinaya 😭😭😭😭”

“Aabangan ko yan😘😁”

“Ang gwapo ni Jake sa white shirt”

“Hala lagot snoop may karibal ka na”

“Oks ka sakin, Jake pero wag naman ang SnoRene 😅🫶🏻”

“Nakooo! Sinasabi ko n tlga! sa Broken vow gusto kta, pero jan nako mag paraya kna ! #Snorene lang to!🙄🤣”

Matatandaang kamakailan lang ay ikinagulat ng fans ang makahulugang post ni Maris na tila nagpapahiwatig ng pamamaalam ng tambalang nila ng karakter ni Anthony Jennings na si “Snoop.”

MAKI-BALITA: SnoRene, hihinto na sa pagpapakilig?

Pero makalipas ang ilang araw, nagbahagi si Maris ng video clip nila ni Anthony mula sa nasabing teleserye at sinabing joke lang daw ang kaniyang naunang post.