Kinabahan ang vlogger na si Zeinab Harake sa birong pagluhod ni Bobby Ray Parks, Jr. sa harap niya.

Part kasi ng ">latest vlog ni Zeinab na may title na "complete family date," tinanong niya kung may plano raw ba si Bobby Ray dahil kasama nito ang isa sa cameraman niya.

"Ako 'yung vini-videohan hindi si Ray ha!" sabi ni Zeinab sa cameraman.

"Bakit ka nang-aagaw may plano ka ba?" tanong naman niya kay Bobby Ray. "Anong plano mo?"

Zeinab sa relasyon nila ni Bobby Ray: 'Sana wag mausog'

Bigla namang kunwaring luluhod ni Bobby Ray paglapit nito sa kaniya.

"Gag* bigla akong kinabahan," natatawang sabi niya. Akala siguro niya eh magpo-propose na ang kaniyang jowa.

Pabirong banat pa niya, "nanggigigil ako rito."

Matatandaang isiniwalat ni Zeinab ang relasyon niya kay Bobby Ray noong Hunyo 22 sa "Fast Talk with Boy Abunda."

“Yes. He’s my partner now. Natutuwa ako kasi parang hindi boyfriend yung nakita ko. And sana ‘wag na mausog, ayun ‘yung lagi kong sinasabi… Lord, ibigay n’yo na ‘to kasi he’s really a good man."