Lumulutang ngayon ang balita tungkol sa muling pagbabalik ng isa sa mga patok na reality show sa bansa na walang iba kundi ang “Pinoy Big Brother.”

Ayon kasi sa latest episode ng “Showbiz Update” nitong Martes, Pebrero 20, magsasanib-pwersa raw ang ABS-CBN at GMA para sa nasabing reality show.

“Ayaw kong ikumpirma ‘yan. Hintayin natin kung may sasabihin sila. Pero maganda ‘yan kung magsasanib-pwersa. Parang ‘Unbreak My Heart,’” saad ni showbiz insider Ogie Diaz.

“Nakakatuwa kung magkakatuluyan ang GMA at ABS-CBN again. Studios na ang ABS-CBN kaya ABS-CBN Studios. Kasi syempre ang ABS-CBN walang prangkisa. So, content creator din sila. Nagpo-produce rin sila ng mga teleserye,” aniya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Dagdag pa niya: “Nakiki-merge sila with TV5, with GMA. Gano’n ang uso ngayon. Lalo na may platform din sa digital ang ABS-CBN, ‘yong iWant TV at iwanTFC.”

Pero habang isinusulat ang artikulong ito, hindi pa naman daw kumpirmado ni Ogie kung sa mismong GMA o sa sister station nitong GTV ipalalabas ang PBB.

“Iyan ang abangan natin. Ayaw ko namang magmarunong dito. Basta ‘yon lang ang nakarating sa akin. Hindi ko naman alam kung confirmed,” lahad pa niya.

“Kuya, kaka-ganyan mo, e, ‘no? Kaka-confirm-confirm mo ang ending confirmed naman pala,” sabi naman ng co-host niyang si Mrena. 

Matatandaang bago makumpirma ang balita tungkol sa paglipat ng noontime show na “It’s Showtime” sa GTV, matapos masipa sa TV5, nauna na itong naiulat sa showbiz-oriented vlog ni Ogie noong Hunyo 2023.

MAKI-BALITA: Kung sisipain sa TV5: It’s Showtime, posibleng mapanood sa GTV?

Umeere ang PBB sa ABS-CBN mula pa noong 2005. Ang huling season nito ay ang Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 na umere sa pagitan ng taong 2021-2022.