Sino nga ba ang babaeng ka-date umano ni Kapamilya star Daniel Padilla sa reunion concert ng OPM rock band na Rivermaya nitong Sabado, Pebrero 17?

Sa Facebook post ni ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipe, ni-reveal niya kung sino ang babaeng kasama ng aktor.

“ICYMI: Daniel Padilla spotted at the Rivermaya concert last night. DJ was with his sister Magui,” saad ni MJ.

Tila nag-enjoy naman ang aktor sa nasabing concert.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Bukod kay Daniel, dumalo rin sa concert ang mga celebrity na gaya nina Dominic Roque, Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli, RK Bagatsing, Jane Oineza, Darren Espanto, at ang jowa ni Rico Blanco na si Maris Racal.

Matatandaang Nobyembre pa noong nakaraang taon nang kumpirmahin ng Live Nation Philippines ang concert ng nasabing OPM rock band.

MAKI-BALITA: Rivermaya, magkakaroon ng reunion concert

Matapos lumabas ng anunsiyo sa publiko, nagbahagi si Rico ng tribute sa kaniyang bandmates sa pamamagitan ng isang social media post.

MAKI-BALITA: Rico Blanco, may tribute sa kaniyang Rivermaya bandmates

Samantala, sa Australia naman dumalo ang ex-jowa ni Daniel na si Kathryn Bernardo para sa “The Eras Tour” ni Taylor Swift.

Inintriga pa nga ng mga netizen ang kumakalat na video clip kung saan matutunghayan ang pagsabay ni Kathryn sa hit song na “We Are Never Ever Getting Back Together” ng American singer-songwriter na tila patama umano kay Daniel.

MAKI-BALITA: Deej, sapul? Kath, kumanta ng ‘We Are Never Ever Getting Back Together’