Isang 60-anyos na babae ang nasawi matapos msunog maabo ang 30 na bahay sa Barangay Niog 1, Bacoor, Cavite nitong Linggo ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang nasawi sa alyas na "Rosalinda" 

Sa panayam sa radyo, sinabi naman ni Niog 1 Brgy. Chairwoman Alma Camarce, ang insidente ay naganap dakong 4:20 ng hapon.

Ang mga nasunugan ay nagkabit muna ng tent sa kalapit na bakanteng lote habang ang iba pa ay nanunuluyan sa barangay hall habang hinihintay pa ang go-signal ng city government kung ipagagamit sa kanila ang Niog Elementary School bilang evacuation center.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Inaalam pa ng mga awtoridad ang halaga ng natupok na ari-arian at sanhi ng sunog.